lumaki ka sa bayan ni Juan
pinakain, binihisan
pinag-aral hanggang sa magkamuang
itinuro lahat ng iyo nang nalalaman
at nang magkamuang, nagkaisip, tumalino (weh di nga?)
iniwan ang bayang nagpalaki syo
natuto lang ng konting ingles
lumaki na agad ang ulo mo..
di ko malaman kung baket may mga tulad mo
nakatapak lang ng ibang bansa, akala mo na kung sino
sa tingin mo ba’y makakapunta ka jan
nang hindi dahil kay at walang tulong ni juan?
sulitin mo na pagpapakasasa
dyan sa bayang pinagmamalaki mo
mataas man ang iyong nang nalipad
wag naman sanang sa bukid ka ulet bumalik pag lumagpak

No comments yet
Comments feed for this article