You are currently browsing the tag archive for the 'bored' tag.

sige na, sige na

Batung-bato’t walang magawa
Magdamag nakahilata
Buong gabing naghihintay
Sa kanyang walang malay..

Kain dito, nguya nang nguya
Lumipas ang oras na walang napala
Magparamdam ka naman, sige na sige na
At nang ako’y di na mag-alala

Tingin sa oras, di mapakale
Para nang pusang di maire
Isang pansin lang, sige na sige na
At nang ako’y matahimik na..

Sige na sige na
Pagbigyan mo na nga
Isang “hoy”, o “pst” o kahit isang “hi”
Kausapin mo na itong makulet na hintay ng

hintay….
Sa’yo nang hindi mo alam..ikaw na walang

malay..

–jokeL
-30dec08-